Advertisers

Advertisers

2 lalaki pinatay, ibinaon sa taniman ng tubo

0 1

Advertisers

Natagpuang nakalibing ang dalawang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng salvage o summary execution sa isang taniman ng tubo sa Hacienda San Roque, Brgy. Cubay, La Carlota City, Negros Occidental.

Sa ulat ng La Carlota City Police, nadiskubre ang dalawang bangkay ng ilang mga magsasaka sa nasabing katawan sa nasabing lugar kaya agad na inireport sa pulisya ang insidente.

Isa sa mga bangkay may tattoo sa kanang balikat, hubo’t hubad at ang katawan nababalutan ng putik habang ang mukha nakabalot ng masking tape.



Ayon sa pulisya ang ikalawang bangkay nababalutan naman ng tarpaulin ang buong katawan.

Isa umano sa mga magsasaka sa katawan ang nakapansin ng bagong hukay sa katawan na tila pinaglibingan at ng magresponde ang pulisya dito na narekober ang bangkay ng mga biktima.

Sa pahayag ng mga awtoridad, walang nawawalang sinumang indibidwal sa lungsod ng La Carlota kaya’t hindi na rin alam kung may mga pinaghahanap na katao sa iba pang lugar sa Negros Occidental.