Advertisers
Binatikos ng mga netizens ang isang sikat na politikong mag-asawa na Bisaya dahil sa umano’y paggamit ng kanilang pampulitikang impluwensiya upang makapag-enroll sa University of the Philippines kahit na hindi ito kumuha ng mandatory UP College Admission Test.
Ayon sa mga netizens, napalusot na kumuha ng UPCAT dahil sa konsiderasyon na kasapi siya ng isang varsity team, pero hindi naman gaano kagaling ng volleyball.
Kinumpirma ng isang UP professor, na humiling huwag siyang pangalanan, na exempted ang Varsity players sa pagkuha ng UPCAT. Pero applicable lamang ito kung nag-aral sa UP High School at alam ng paaralan ang athletic records ng estudyante.
Idinagdag ng mga netizens na umakto ang mag-asawang politiko ng masamang hangarin sa paggamit ng kanilang impluwensiya at baluktutin ang UP policy sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa state university.
“Hindi patas lumaban itong mag-asawang trapo,” puna naman ni @kurdapya357.
Ang “trapo” ay isang mapagkutyang bansag sa isang tiwaling tradisyunal na politiko.
Nagyabang pa sa social media ang anak ng celebrity couple na naka-graduate siya sa UP.
Subali’t, para sa mga netizens ang kanyang achievement isang “hungkag na karangalan dahil sa hindi paglaro ng patas,” patungkol sa intensyonal niyang hindi pagkuha ng UPCAT.
Binigyang-diin din ng mga netizens ang pagiging empleyado ng estudyante sa opisina ng kanyang ina na isang kongresista. Nasa payroll siya ng Kongreso at kasabay ang pagiging iskolar ng bayan.
Pinuna din ang kanyang pag-alis sa ibang bansa ng 15 beses para sa kanyang pagsasanay bilang atleta ngunit hindi nagsumite ng travel clearance sa Bureau of Immigration.