Advertisers
Pitong araw na lamang ay eleksiyon na at marapat na ang malagay sa pagiging LAWMAKERS ng ating bansa.. o ang dapat mataglay ng mga botante ay ang magpakatalino sa pagpili ng mga kandidatong naaangkop para sa paglikha at pagpanday ng mga batas na ipaiiral sa ating lipunan.
Yun nga lang.., nakalulungkot isipin na ang mga naglalabasang survey ay tila nahuhuli sa listahan ng mga SENATORIAL CANDIDATE itong si FORMER DILG SECRETARY BENHUR ABALOS JR.
Natatandaan ko na noong una ay naging matunog ang pangalan ni BENHUR dahil marami ang mga nag-eendorso sa kaniya para kumandidato sa pagiging SENATOR.., na kabilang sa mga nag-endorso ay sina FORMER VICE-PRESIDENT LENI ROBREDO at ang CELEBRITY SUPERSTAR na si VICE GANDA gayung marami rin ang mga nagtaas-kilay dahil itong si BENHUR ay kasama sa ADMINISTRATION SLATE.
Ang pagkakaalam ko na dahilan ng mga nag-endorso ay dahil itong si BENHUR ay isang VETERAN POLITICIAN na nanungkulan ito sa mga posisyong EXECUTIVE at sa LEGISLATIVE BRANCH ng ating gobyerno; kung saan, ang mga karanasan nito ang nagpapalawak sa kaniyang mga pananaw hinggil sa iba-ibang isyu ng ating lipunan.
Kung papalaring mahalal ng mga botante ay kabilang sa mga prayoridad ni BENHUR ang pagrereporma sa RICE TARIFFICATION LAW, LOW COST HOUSING, TAX REFORMS at iba pa.., na ang plataporma nito ay magdudulot-ginhawa sa mamamayan lalo na sa mga mahihirap sa aspeto ng pang-pinansiyal.
Sa karanasan nito bilang DILG SECRETARY ay naging tanyag si BENHUR sa pagresponde sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mamamayan.
Isa rin sa ninanais nitong itaguyod sa SENADO ay ang pag-akyat ng income tax exemption threshold na maglalaan ng mas malaking take home pay para sa mga FILIPINO WORKER.., dahil alam nito ang epekto ng inflation at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Hangad din nitong magbigay supporta sa ating mga magsasaka sa pamamagitan ng RTL.., na ang mga planong ito ay maglalaan ng mas malaking kita sa ating mga magsasaka.
Ang mga katangiang ito ni BENHUR ay sapat na kuwalipikasyon para maisama sa mga karapatdapat na maisulat ng mga botante sa balota ngayong May 12 ELECTIONS.
Sa pananaw ng ARYA ay ito rin marahil ang naging kadahilanan sa naging pag-eendorso sa kaniya ni FORMER VICE-PRESIDENT ROBREDO at VICE GANDA.., na hindi basehan ang kulay o pagiging DILAWAN o PINKLAWAN sa pagpili ng POLITICIANS at sa halip ay ibatay sa taglay na talino at kakayahan sa posisyong kakandidatuhan ng sinumang kumakandidato.
Ika nga.., nakapanghihinayang kung hindi mahahalal ang isang tulad ng BENHUR na may sinseridad sa pagseserbisyo publiko na litanya ng marami kong mga kakilala na kailangang mailuklok sa SENADO ang may dangal sa pagseserbisyo.., at ito ay sa katauhan ni BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.