Advertisers

Advertisers

Civilian volunteer pinatay sa loob ng bgy hall

0 3

Advertisers

PATAY ang isang miyembro ng civilian volunteer organization nang pagbabarilin ng dalawang hindi na nakikilalang salarin noong Biyernes sa loob ng barangay hall sa Urdaneta City.

Hindi na umabot pang buhay nang idating sa Urdaneta City District Hospital ang biktimang si Edgar Nosis, kasapi ng CVO at residente sa nasabing lungsod.

Batay sa report ng Urdaneta Police Station, naganap ang krimen Biyernes ng gabi sa loob ng barangay hall ng Barangay Pinmaludpod.



Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang dumating ang dalawang lalaki sakay ng kulay gray Honda Click motorcycle.

Inilarawan ang mga salarin na nakasuot ng itim na jacket at pantalon ang driver ng motorsiklo habang ang hitman ay nakasuot ng kulang pulang T-shirt at six-pocket shorts.

Dito, bigla na lamang pumasok sa barangay hall ang mga salarin at walang habas na pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan saka mabilis na nagsitakas.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen, nakapulot sila ng mga basyo ng .45 kalibre na baril na hinihinalang ginamit sa krimen.

Mariin naman kinondena ni Police Brig. Gen. Lou Evangelista, hepe ng Police Regional Office-1 (Ilocos) chief, ang nasabing insidente at tiniyak na mahuli ang responsable sa krimen.



Patuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran pagdakip.