Advertisers

Advertisers

ERWIN TULFO, TOP 1 ULIT SA PINAKABAGONG SURVEY

0 4

Advertisers

LIMANG  araw bago ang eleksyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate Erwin Tulfo na nananatiling numero uno sa pinakabagong senate survey.

Sa kalalabas lang na survey ng WR Numero na isinagawa mula Abril 23 hanggang Abril 30at nilahukan ng 2,400 na respondents, nagtamo si Tulfo ng 48.7 percent voting preference, tumaas ng 5.3 percent mula sa naunang survey.

Nagpakita rin nang matatag na voter base si Tulfo dahil nananatili siyang nasa unahan ng preferences anomang kulay o partido ang sinusuportahan.

Numero uno siya sa mga Pro-Marcos (65%) at Independent voters (52%).

Samantala, number 2 naman siya ng mga Opposition supporters (50%), at number 3 ng mga proDuterte supporters (40%).

Kung gaganapin ang halalan sa nasabing survey period, kasama ni Tulfo sa winning circle sila Christopher “Bong” Go (45.3%), Tito Sotto (37%), Bato Dela Rosa (36.8), Pia Cayetano (36.6%), at Ben Tulfo (35.2%).

Pasok din sila Lito Lapid (34.8%), Ping Lacson (33.8%), Abby Binay (31.7%), Camille Villar (29.8%), Bong Revilla (29.5%), at Bam Aquino (28.5%).

Maliban sa bagong WR Numero Survey, patuloy ring nangunguna si Tulfo sa iba pang mga senate surveys ng OCTA Research, Social Weather Stations (SWS), at Pulse Asia.

Bunsod nito ay lubos nagpapasalamat si Tulfo sa mga kababayan nating nadadaanan ng mga survey dahil sa kanilang di matatawarang tiwala at suporta.

Aniya “Hindi ko po kayo bibiguin at ‘di ko hahayaang masayang ang boto ninyo sa akin”.