Advertisers

Advertisers

Kiko bagsak sa lahat ng survey

0 3

Advertisers

HABANG papalapit ang halalan, patuloy ang paglaglag ni dating senador Kiko Pangilinan sa iba’t ibang surveys sa pagka-senador.

Sa latest survey ng Pulse Asia, sadsad si Pangilinan sa ika-17 hanggang ika-19 na puwesto sa Pulse Asia survey na may rating na 19.8 porsiyento.

Nabawasan ng pitong puntos ang rating ni Kiko kumpara sa kanyang noong Marso, kung saan nakakuha siya ng 26.8 porsiyento para sa 14th-18th spots.



Pareho rin ang kuwento ni Kiko sa iba pang survey gaya ng WR Numero, at Tangere kung saan malayo siya sa Magic 12.

Sa WR Numero survey para sa Abril, pang-labinglima si Pangilinan matapos na maging consistent sa Magic 12 sa nakalipas na mga survey at pang-labintatlo naman sa Tangere survey.