Advertisers

Advertisers

MGA BIGATING KANDIDATO SA MALABON NA-DISQUALIFY?

0 44

Advertisers

MALABON CITY – May ugong na na-disqualify umano ang mga kilalang pulitiko na sina Jeannie Sandoval, Ricky Sandoval, Lenlen Oreta at iba pa sa darating na halalan ngayong 2025 eleksiyon.

”Di sigurado kung maipoproklama sila kahit na manalo!

Malabon, ligtas ba talaga ang boto mo?



Umalingasaw ang balita kahapon matapos ihayag ng Commission on Elections (Comelec) na hindi agad maipoproklama ang mga kandidatong may kinakaharap na disqualification cases at ang listahan, karamihan ay mga kilalang pangalan sa politika ng Malabon!

Una nang pinangalanan sa listahan ang re-electionist na si Mayor Jeannie Sandoval, sinundan ng mga tumatakbo bilang Congressman na sina Ricky Sandoval at Lenlen Oreta– mga bigating pangalan na tila ngayon ay may sabit sa Comelec!

May alegasyong hindi rin umano ligtas ang mga kumakandidato sa ibang posisyon: Vice Mayor bet Edward Nolasco, at mga konsehal na sina Gerry Bernardo, lan Borja, Payapa Ona, Paulo Oreta, Maricar Torres, Leslie Yambao, Enzo Oreta, at Joey Sabaricos – lahat, Kasalukuyang iniimbestigahan ang isyung ito.

Ayon sa Comelec, kung hindi agad maresolba ang mga reklamo laban sa kanila bago ang May 1 midterm elections, maaari silang hindi maiproklamang panalo kahit pa manalo sa boto.