Advertisers

Advertisers

MGA NAMATAY SA INFRA PROJECT NI SUANSING NAGPASAKLOLO

0 5

Advertisers

HUMIHINGI ng tulong sa mga kinauukulan para sa safety barriers at signages upang makatulong makaiwas ang mga kababayan sa katulad ng insidenteng kanilang kinasangkutan.

Dakong 5:00 ng hapon ng Enero 16, 2025 nang kumalas sa pagkaka-welding ang sidecar sa motor na minamaneho ni Angelica Cinense, 34 anyos, at nahulog sa irrigation canal sa Sitio dela Rosa, Barangay Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija na ikinasawi niya at ng limang iba pa na sina Rengie Cinense, 8, lalaki; Queen Joy Arciaga, 7; Rhian Cinense, 6, pawang residente ng Sitio Buted, Brgy. Malayantoc, Sto. Domingo.

Nasawi rin ang mga sumaklolo na sina Fernando Maducdoc, 59; at Joel Trinidad,49, kapwa residente ng Brgy. Baloc.



Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver matapos mahiwalay ang bakal na nagdudugtong sa sidecar at motor dahilan upang malaglag ang kolong-kolong na sinasakyan ng mga biktima sa nasabing irrigation canal.

Kaugnay nito, humihingi ng tulong sina Jonathan D. Rudolfa, kabiyak ng driver na si Angelica Sinense, Jonalyn S. Cinense, ina ng dalawang batang namatay, Jay C. Arciaga, ama ng isa pang batang nasawi rin.

Anila, malaking tulong sana kung may safety barriers at signages sa lugar ng aksidente upang kahit pa kumalas ang sidecar sa motor ay hindi sila malalaglag sa irrigasyon.

Nananawagan din ang mga pamilya ng mga nasawi sa mga kinauukulan na tignan ang lugar ng aksidente at lagyan ito ng safety barriers at signages.

Sa kaugnay na ulat, nalaglag din ang tricycle na sakay ng senior citizens na sina Orpiano A. Buenaventura, Juanita P. de Guzman at Carl Jayson M. Buenaventura,18, noong Abril 12, 2025, dakong 11:00 ng tanghali sa bahagi ng nasabing irrigation canal din na sakop ng Brgy. Mabini.



Sugatan ang kaliwang paa ni Nanay Juanita at putok ang noo ni Carl Jayson nang aksidenteng matangay ang daan nang madaanan ang medyo mataas na bahagi.

Panawagan ng mga biktima ng nalaglag na tricycle sa irigasyon na walang tubig – lagyan ng safety barriers at signages ang lugar.

Anila, maaring hindi sila dumiretso sa irigasyon kung may barrier dahil ito muna ang kanilang tatamaan.

Sa iba pang ulat, kumakatok sa tanggapan ni Nueva Ecija 1st District Congresswoman Mikaela B. Suansing, ang mga pamilya ng mga naaksidente at naulila upang lagyan ng safety barriers ang lugar at sila ay tulungan makapagsimula muli, maka-recover mula sa trahedya.