Advertisers
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang agarang pagpalit ng mga umano’y sub-standard na mga bollard sa NAIA Terminal 1 kasunod ng aksidente na ikinasawi ng dalawang indibidwal nitong Linggo, Mayo 4.
Pinasisiyasat din ng Malakanyang ang umano’y sub-standard na bollard na dapat sana ay napigilan ang pagragasa ng sasakyan, at na-protektahan ang mga tao doon.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na kabilang sa mga sisilipin ay ang nangyaring procurement at specifications ng bollard na ikinabit sa entrada ng departure area, noong July, 2019, sa ilalim ng Duterte Administration.
Dagdag pa ng opisyal, alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos, i-inspeksyunin din ang iba pang bollards sa paliparan.
Habang agad ding papalitan ang mga nasirang bollards, bilang proteksyon ng mga nagtutungo sa NAIA.