Advertisers

Advertisers

Principal, faculty president kinumpirma ang payout sa Marikina public school teachers

0 2

Advertisers

KINUMPIRMA ng isang principal at faculty president ang payout sa Marikina City public school teachers sa ilalim ng Aid to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo.

Pinagtibay sa dalawa, na tumanging magpakilala para sa kanilang kaligtasan, ang naunang pahayag ng isang grupo ng Marikina public school teachers tungkol sa payout, na nangyari noong Abril 21 hanggang 23 sa Q Civic Center.

“Mayroon talagang nangyaring payout at naroon po mismo si Cong. Quimbo sa Q Civic Center habang pinamamahagi ang AICS. Halos lahat po ng guro na nakatanggap ay nakita siya sa venue,” wika ng principal.



Inamin din ng dalawa na tumulong sila sa pag-validate ng mga benepisyo bago ang payout.

“Nag-alangan ako noong una dahil malapit na ang eleksiyon, ngunit sinabi sa amin na ito’y para sa mga kapwa niyo guro. Kaya ginawa ko na lang po ung validation,” wika naman ng faculty president.

Bago rito, nanawagan ang isang grupo ng Marikina City public school teachers sa Commission on Elections (Comelec) na imbestigahan ang nasabing payout at kung ito ba’y maituturing na vote buying o maling paggamit ng pondo ng bayan, lalo pa’t ginawa nito habang malapit na ang halalan.

Sinuportahan din ng mga guro ang kanilang pahayag ng mga video at photo, na nagpapakitang naroroon si Quimbo sa venue habang may payout.

Humingi rin ng paglilinaw ang grupo sa DSWD kung bakit isinama ang mga guro sa AICS program habang election period. Hiniling din nila sa Civil Service Commission na pag-aralan ang posibleng kasong administratibo laban sa mga nasa likod ng payout.



“We also requested the Department of Education to look into this right away and remind everyone not to take part in any activity with political involvement or money matters during election time,” wika ng mga teacher.

Ayon pa sa mga guro, tumulong at pinangunahan pa ng ilan nilang opisyal, kabilang sina Marie Ann Yambala, presidente ng Marikina City Federation of Public School Teachers Inc., at Atty. Ceasar Augustos Cebujano, legal officer ng DepEd Marikina District, ang pagsasagawa ng beripikasyon.