Advertisers
ILANG araw bago ang May 12 election inindorso ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) ang kandidatura ni Ate Rose Nono Lin bilang Kongresista ng ika limang distrito ng Quezon City.
Agad namang pinasalamatan ni Ate Rose Lin ang tiwala at suporta ng INC sa matinding suporta sa kanya ng sektor.
Anya malaking karangalagan ito na mapabilang sa mga kandidato na binigyan ng basbas ng INC sa kanilang pagtakbo sa nalalapit na May 12 midtern election.
Bukod dito, tumanggap din ng matinding pagsuporta si Ate Rose Lin mula sa malalaking voting blocks na nag endorse kay Rose Lin mula sa Muslim groups, senior citizens, TODA , market vendors group, Youth at iba pang grupo na nagbigay na ng kanilang commitment sa mga local leaders.
Malugod namang ikinasiya ni Ate Rose Lin ang natanggap na sumuporta sa ibat ibang grupo particular ng INC na isang patunay lamang na marami ang nagtitiwala sa kanyang kakayahan at talino upang mapaunlad ang distrito 5 ng QC. (Boy Celario)