Advertisers

Advertisers

State of the art na Command Center para sa seguridad ng Brgy. Bagong Pagasa, binuksan

0 10

Advertisers

BILANG pangangalaga sa seguridad ng mga residente binuksan na ngayon araw ang State of the Art Command Center sa Barangay Bagong Pag-asa sa Quezon City.

Sa pamamagitan ng paggamit ng makabago at high end cctv cameras para sa seguridad ng mga taga-Brgy. Pagasa sa QC.

Sinabi ni Barangay Captain France Ruzelle “Chinggay” Bilaos, ang ONE Hope Command Center ay mayroong mga makabagong kagamitan .



Sa ginanap na launching, inihayag ni Brgy. Capt. Bilaos na nasa 60 na makabagong cctv cameras ang kanilang ikinabit sa ibat ibang parte ng kanilang barangay.

Halimbawa nito ang mga CCTV Camera na nakakalat sa buong barangay na may kakayahan na sa facial recognition.

Sinabi pa ng opisyal ng barangay na kaya na ring basahin nito ang pinakamalabong plate number ,klase at uri ng sasakyan.

Idinagdag pa nito na may sampung dispatcher ang mamamahala sa command center na sinanay pa ng Philippine National Police (PNP).

Bukod dito ang paramedics na kumpleto rin sa mga modernong kagamitan.



Kaugnay nito tiniyak ni Bilaos na mas madali na para sa mga residente na ipaabot ang kanilang concern para sa agarang tugon. (Boy Celario)