Advertisers

Advertisers

Vlogger na nagpakalat ng “fake news” sinampahan na ng kaso ng PNP

0 7

Advertisers

PORMAL nang kinasuhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang vlogger na nagpapakalat ng “fake news” kaugnay ng pagsasagawa ng raid sa bahay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.

Ayon kay Col. Randul Tuano, Chief ng PNP Public Information Office (PNP-PIO), kauna-unahang ifa-file ng bagong tatag na Joint Anti Fake News Action Committee (JAFNAC) sa utos ni chief PNP Gen. Rommel Marbil kay Lt. Gen. Robert Rodriguez.

Bagama’t tumanggi si Tuano na tukuyin ang pagkakakilanlan ng nasabing vlogger, ito ay isang lalaki na may 218,000 subscribers at meron siyang videos na 218. Ang kanyang views overall sa kanyang mga vlogging ay umaabot ng 20,029,666.



Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG), sinabi ni Tuano na ito ay isang fabricated “suggesting intentional manipulation to spread false narrative” na kung saan ito ay pumapatak sa disinformation.

Aniya, ang na-file na kaso ay violation ng RPC Article 154 at ito yung unlawful use of means of publication and unlawful utterances of the RPC in relation to Section. 6 or RA 10175 or ito yung Cybercrime Prevention Act .

“Alam niyo ang violation ng special laws ay yun pong damage pinag-uusapan man o hindi. Ito ay hindi natin pag-uusapan ang intent. Kapag ikaw ay nagpakalat ng mga fake news ikaw ay dapat kasuhan sapagkat ito ay violation ng RA 10175,” pahayag ni Tuano.

Sa inilabas na vlog ng nasabing vlogger, sinalakay ng may 30 miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at 90 miyembro ng Special Action Force (SAF) na nanggaling ng Luzon na n-iraid ang bahay ng dating Pangulong Rodrigo Duterte noong gabi ng April 30, 2025.
Ang nasabing akusasyon ay mariing pinabulaanan ng CIDG at SAF. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">