Advertisers

Advertisers

VOTE BUYING SA BULACAN, LUMAWAK PA!

0 10

Advertisers

ILANG araw na lang bago ang halalan, lumawak pa ang nangyayaring panunuhol o pambibili ng boto ng mga lokal na kandidato, partikular sa bayan ng Bustos.

Nabuking ang diskarte ng tinaguriang “Big Four” na sina alyas “MA”, “TA”, “PM” at “SS” nang makita sila na gumagapang na sa mga piling lugar sa Bustos upang mamili ng boto sa halagang P2,000 bawat isa.

Nangako ang ‘Big Four’ sa mga botante na dodoblehin ang kanilang bayad kung ang “manok” nila sa lokal at mataas na opisyal sa kapitolyo ang kanilang iboboto.



Ayon sa sources, ang “Big Four” ay sinasabing mga “bata” ng isang opisyal sa Kapitolyo ng Bulacan na kilala ring garapal sa gawaing vote buying.

Ang panibagong insidente ay sa kabila ng babala ng Commission on Elections (COMELEC), partikular sa hanay ng mga re-eleksyunistang kandidato laban sa lantarang vote buying ngunit nauuwi lang ang banta sa wala.

Una nang napaulat sa media ang maaga at garapalang vote buying sa lalawigan, kung saan ilang insidente ang naidokumento sa San Jose del Monte City.

Nitong Lunes at Martes, kumalat ang ilang video at mga larawan na nakunan sa Quirino Highway, Tungkong Mangga at Bgy. San Roque, SJDM, kung saan lantarang namimigay ng P300 ang grupo ng isang partylist at mga tauhan ng vice mayoralty candidate.