Advertisers
Ipinasisibak ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco Marbil ang mga pulis na huling kasama ni Davao City Congressman Pulong Duterte sa viral video ng pananakit nito sa isang lalaki.
Ayon kay Marbil, kasama sa mga tatamaan at posibleng masibak sa pwesto ang mga commander ng dalawang pulis na umaaktong bodyguard ng nasabing pulitiko.
Napag-alaman na may mga ranggong police executive master sergeant at police staff sergeant ang mga AWOL na pa lang pulis na kasamang nakunan sa CCTV sa loob ng isang bar sa Davao City kung saan makikitang sinasaktan ni Duterte ang isang lalaki na umano’y bugaw.
Parehong naka-assign ang mga ito sa magkahiwalay na istasyon sa ilalim ng Davao City Police Office.
Sa ngayon ay gumulong na ang pre-charge investigation para sa kasong administratibong grave irregularities in the performance of duty laban sa mga nasabing pulis.
Bukod naman sa dalawang pulis, nakilala rin ang dalawa pang escort ni Duterte na mga tauhan ng Philippine Air Force