Advertisers
Ni NOEL ASINAS
NATUWA si actor/producer Tony Boy Dela Rea ng Paghilom movie, sa pagdalaw sa kanya sa St. Luke’s Medical Center ni actress Melissa Mendez nang huli siyang na-confine due to shortness of breathe.
Almost two days siya sa ospital. Pasalamat ng actor sa madaliang paglunas ng kanyang sakit ng mga mahuhusay na doctor.
Nung panahon ng Actors Guild Foundation Free Workshop ni Direk Laurice Guillen naging friends sina Tony Boy at Melissa.
Si Direk Laurice naman, ayon kay Tony Boy, naging director niya sa Seiko Films’ movie Sumayaw Ka Salome. Isa sa mangliligaw ni Rita Avila, lead actress, ang role niya.
Nagtsi-tsikahan sila kapag may pinagsamahang project o sosyalan sa showbiz.
Nang nakita ni Melissa ang post ni Tony Boy na naka-confine siya, binisita agad nito para kumustahin at payuhan para maiwasan na mangyari muli ang hirap sa pahinga.
Pasalamat si Tony Boy sa mga friendly advice ni Melissa.