Advertisers
Patay ang isang driver at sugatan ang general manager ng Pepsi Plant Products nang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang lulan ng Sports Utility Vehicle (SUV) sa lungsod ng Zamboanga noong Lunes ng gabi. Nilapatan na ng lunas ang general manager ng Pepsi-Cola Products Philippines Incorporated sa Zamboanga City na si Che Stalin Rodriguez habang ang driver na kinilala lang sa pangalang “Jun-Jun”, binawian ng buhay sa pagamutan. Sa ulat ni Police Col. Fidel Fortaleza Jr., director ng Zamboanga City Police, dakong alas-syete ng gabi nitong Lunes, habang lulan ng (SUV) ang mga biktima sa kahabaan ng San Isidro Street, Zone 2, Mercedes Village at kababata nang biglang sumulpot ang armadong riding-in-tandem. Lumalabas na binuntutan ng mga salarin ang SUV at nang makakuha ng tiyempo pagsapit sa lugar, pinagbabaril ang target. Ang gunman na backrider ay nakasuot ng jacket na may hood at naka-baseball cap.