Advertisers

Advertisers

Anne nalungkot sa mga car accidents; Zsa Zsa napapraning sa sunud-sunod na kamatayan sa showbiz

0 5

Advertisers

Ni ROMMEL PLACETE

LABIS na nalungkot si Anne Curtis sa sunud -sunod na aksidente sa sasakyan na kumitil ng buhay ng marami. Una na ang pagkarambola ng mga sasakyan sa SCTEX dahil sa bus driver na umano ay nakaidlip.

Pangalawa, ang trahedya sa NAIA na kumitil ng buhay ng isang 4 na taong gulang na bata kasama pa ang ina ng biktima nasa ospital pa rin ngayon.



Sa kaniyang Instagram post ibinahagi ni Anne ang kalungkutan sa nangyari.

Umaasa ang aktres na magsilbing wake-up call sa Department of Transportation (DOT) at Land Transportation Office (LTO) ang mga malagim na pangyayaring ito.

Dapat daw mas maging istrikto at mahigpit ang mga nabanggit na ahensiya ng gobyerno sa mga driver at sasakyan pagdating sa usapin ng “highest safety and licensing standards.”

Sa huli, nagpahatid ng pakikiramay si Anne sa mga naulila ng mga biktima ng aksidente.

***



NAPAPRANING na ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga itinuturing na icon sa showbiz.

“Sabi ko, ‘Bakit ganu’n? Parang nagsusunud-sunod naman yung mga performers, mga singers,’ and nakakalungkot talaga,” sabi ni Zsa Zsa.
Ang labis na ikinalungkot na sobra ng mommy ni Karylle ay nu’ng sumakabilang-buhay si Pilita Corrales na isa sa mga hinahangaan niyang singer sa bansa.
“Lalo na kay Tita Pilita (Corrales), umiyak talaga ako. Kasi idol ko siya talaga, e! Mga idols ko when I was starting my career, I was looking up to Pilita, Celeste Legaspi, and Kuh Ledesma. Sila yung mga inidolo ko talaga,” aniya pa.
“Tapos when Hajji passed, nag-TNT (Tawag Ng Tanghalan) kami the other day, nakita ko si Nonoy Zuñiga. ‘Noy, healthy ka naman, ha?! Healthy ka, ha?!’
“Tapos nakita ko si Marco Sison, ‘Marco, healthy ka, ha?!’ Ha-hahaha! Natatawa rin sila. ‘Huwag ka nang mapraning!’ Sabi ko, ‘Nakakapraning, e!’ Alam mo na, nagkasunud-sunod naman kasi din,” kwento pa niya