Advertisers

Advertisers

COA: Mayor ng Tarlac sangkot sa asphalt scam

0 118

Advertisers

Iniugnay ng Commission on Audit (COA) si Tarlac City Mayor Maria Cristina C. Angeles sa sunod-sunod na iregularidad sa mga multi-milyong pisong proyekto sa aspalto, kabilang ang mga kontratang walang pahintulot, dobleng bayad, at malinaw na conflict of interest dahil sa kumpanyang pag-aari ng kanyang asawa.

Ayon sa Fraud Audit Report No. 2025-003, isinagawa ang mga proyekto sa kalsada kahit walang aprubadong awtorisasyon mula sa Sangguniang Panglungsod. Pinuna rin ng COA ang double payments sa overlapping portions ng asphalt work, malinaw na kaso anila ng labis na paggasta ng pondo.

Natuklasan din na ang mga materyales ay galing sa Northern Builders, isang kumpanyang pag-aari ng asawa ni Mayor Angeles. Giit ng COA, ito ay malinaw na conflict of interest. Bukod dito, naglabas ng kabuuang P21.23 milyon sa mga tseke kahit wala pang opisyal na disbursement vouchers—isang palatandaan ng posibleng pandaraya.



Kabilang din si Mayor Angeles sa iregular na kontrata para sa solid waste hauling na nagkakahalaga ng P41.2 milyon. Tinukoy ng audit na pekeng pre-procurement conference ang isinagawa at inaprubahan ang supplier kahit walang sapat na technical qualifications. Sa huli, direktang pinanagot ng COA si Mayor Angeles sa pagbibigay ng labis na benepisyo sa hindi kwalipikadong supplier.

Hinihikayat ng ulat ang mga kaukulang ahensya na imbestigahan ang alkalde at iba pang opisyal para sa posibleng legal and administrative sanctions.