Advertisers
NILANGAW ang rally at concert ni dating senador Kiko Pangilinan sa Plaza Independencia sa Cebu City kahapon, batay sa mga paunang larawang kuha ng pahayagang The Freeman.
Makikita sa larawan na ilang supporter pa lang ang nasa venue na nakapayong pa dahil sa masamang panahon.
Kapansin-pansin din na kalat-kalat pa ang puwesto ng kanyang mga tagasuporta na tila nag-aabang lang sa mga performer.
Inanunsiyo na ng kampo ng dating senator na hindi makakasipot sa pa-concert sina Jolina Magdangal at Rivermaya dahil sa hindi inaasahang kadahilanan.