Advertisers

Advertisers

ERWIN TULFO, NAMAMAYAGPAG PA RIN SA PINAKABAGONG SENATE SURVEY

0 8

Advertisers

LIMANG araw bago ang Halalan sa Mayo 12, patuloy na namamayagpag si Erwin Tulfo bilang nangungunang kandidato sa pagka-senador batay sa pinakabagong Senate survey.

Batay sa pinakabagong Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research na isinagawa mula Abril 20 hanggang 24, nakamit ni Tulfo ang 98% awareness at 52.7% voting preference, dahilan upang mailagay siya sa Rank 1-2. Mula pa noong 2024, tila hindi na natitinag si Tulfo sa tuktok ng listahan ng mga kandidato sa Senado.

Lamang din ng 10.4% si Tulfo sa voting preference kumpara sa kandidatong sumunod sa kanya.



Maliban kay Tulfo, humataw rin ang mga kasamahan niya sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas na pasok sa winning circle ng nasabing OCTA Survey—isang pagpapakita ng malakas na suporta sa senatoriables ng administrasyon.

Bunsod nito ay Nagpapasalamat si Tulfo sa mga supporters na mula umpisa ay walang patid ang suporta sa kanya.

Ayon din kay Tulfo, sa kabila ng mataas na ranggo sa mga surveys, susulitin pa rin niya ang nalalabing araw para mangampanya upang maibahagi ang kanyang mga plataporam.

“Kasama ang Alyansa, tuloy-tuloy lang po kami sa pag-ikot para maibahagi ang aming nagkakaisang adhikain para sa bayan,” pagdidiin ni Tulfo.

Kung siya ay mahalal bilang Senador, uunahin ni Tulfo na ipanukala ang Barangay Officials and Workers’ Compensation Act, Rice Tariffication Law Amendments, OFW Pension Act, at Zero Hospital Billing for OFWs Act, at marami pang iba.



Tunay na maituturing na “strong candidate” si Tulfo dahil maliban sa OCTA, namayagpag din siya sa mga bagong labas na survey ng WR Numero, Pulse Asia, at Social Weather Stations.