Advertisers
SINIMULAN na ng Philippine National Police ngayong Huwebes, Mayo 8 ang full deployment ng mga tauhan nito bilang bahagi ng pagpapanatili ng seguridad sa hahalan.
Ayon kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, nasa crucial part na sila ng preparasyon para sa eleksyon.
Sinabi ni Marbil, kasabay ng deployment ay mag-iinspeksyon na rin ang mga regional director sa kani-kanilang mga unit bilang bahagi naman ng kampanyang ‘kontra-bigay’ ng pamahalaan.
Kasabay nito, hinikayat ng Hepe ng pambansang pulisya ang lahat ng pulis na manatiling apolitical at maging patas sa kanilang pagpatupad ng tungkulin.