Advertisers

Advertisers

Hiwalay na imbestigasyon sa NAIA accident pinakakasa ni Marcos

0 7

Advertisers

MARIING ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakasa ng hiwalay na imbestigasyon sa disenyo at pagkakagawa ng mga bollards na nakakabit sa entrance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ito’y kasunod ng malagim na aksidente ng pagbangga ng isang sasakyan sa paliparan.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, iniutos din ng Pangulo ang pagsusuri sa procurement process at technical specifications ng mga bollards na nakalagay sa walkway ng NAIA Terminal 1.



Batay sa paunang ulat, nabigo ang mga bollards na hadlangan ang isang sports utility vehicle (SUV) na bumangga sa walkway, na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang indibidwal, kabilang ang isang limang taong gulang na batang babae, at pagkakasugat ng apat na iba pa.

Ang mga bollards ay matitibay na patayong poste na karaniwang ginagamit upang kontrolin ang trapiko, palakasin ang seguridad, at protektahan ang mga tao at ari-arian.

Isiniwalat din ni Castro na ang mga bollards ay inilagay pa noong 2019 sa ilalim ng pamumuno ni dating Transportation Secretary Arthur Tugade. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)