Advertisers

Advertisers

Inflation rate patuloy na bumagal sa 1.4% — PSA

0 6

Advertisers

INIULAT ng Philippine Statistics Authority (PSA) na patuloy na bumagal ang inflation rate o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa sa 1.4% noong buwan ng Abril.

Bagama’t bumagal ang inflation sa buong bansa, tumaas naman ang inflation sa Metro Manila sa 2.4%, pinakamataas sa loob ng tatlong buwan.

Ang pagtaas ay dulot ng mataas na gastos sa pabahay, tubig, kuryente, at iba pang mga fuel, na tumaas ng 5.1% mula sa 2.2% noong buwan ng Marso.



Partikular na tinukoy ng ahensya ang malaking pagbaba sa presyo ng pagkain at inuming hindi alcohol na tumaas lamang ng 0.9%, mas mababa kaysa sa 2.2% noong nakaraang buwan.

Dagdag pa aniya rito ang pagbaba ng presyo ng bigas at ang mga gastos sa transportasyon na bumaba sa 2.1%.

Ang naitalang inflation rate noong Abril ay nasa ilalim ng target ng pamahalaan na 2% hanggang 4%, ngunit nasa loob ng forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 1.3% hangang 2.1%.

Nanatili naman ang core inflation ng bansa sa 2.2%.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">