Advertisers
Nagsagawa ng kilos protesta ang mga mamamayan ng lalawigan ng Laguna sa harapan ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules, May 7 upang ipanawagan na tigilan na ang talamak na vote buying sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Atty. Ariel Radovan, lantaran na ang vote buying para lamang iboto ang mga kandidato sa katauhan nina incumbent Laguna Gov. Ramil Hernadez at tumatakbong Kongresista na si Congwoman Ruth Hernandez.
Matandaan na sinampahan na rin ng diskwalipikasyon case sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ng ilang grupo ang mag-asawang Hernandez dahil sa pamamahagi ng blue health card na katumbas ng P2,000 na isang uri ng vote-buying.
Ang pag-asawang Hernandez ay nagpalit posisyon, si Gobernador Ramil ay tumatakbo bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Laguna, habang si Representative Hernandez ay tumatakbo bilang gobernador.
Ngayong araw, hindi lamang sa harap ng tanggapan ng Intramuros,Maynila nagsagawa ng rally ang mga residente at botante ng lalawigan ng Laguna kundi ito ay simultaneous rally kasabay sa Calamba,Laguna.
Sa reklamo ng mga petitioner, isinasakay sa mga bus ang mga botante mula Cabuyao City at dinadala sa isang bodega sa Calamba,Laguna para sa isang poll watchers orientation at pagsasanay.
Bukod sa blue health card, ang bawat dumadalo sa orientation ay binibigyan umano ng t-shirt na may mukha ng mag-asawa, kasama ang pagkain, tubig, at isang sobre na naglalaman ng P2,000.
Wala pang pahayag ang kampo ni Hernandez hinggil sa disqualification petition.