MALAWAKANG UNITY RALLY IKAKASA NG TINGOG AT LAKAS-CMD SA EASTERN VISAYAS BILANG SUPORTA SA SENATORIAL SLATE NG ALYANSA
Advertisers
ISANG malaking regional unity rally ang ikakasa ng TINGOG Party-list at Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Eastern Visayas kasama ang iba pang political parties sa Tacloban City.
Target nitong mapagsama-sama ang mayorya ng 3-million Waray voters bilang suporta sa senatorial slate ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Inaasahang magtitipon-tipon sa nasabing unity rally ang anim na provincial governors, 13 district lawmakers, at nasa 10,000 community leaders at volunteers, gayundin ang 7 city mayors, at 136 municipal mayors.
Ayon kina Tingog Party-list representatives Yedda K. Romualdez at Jude Acidre, ang aktibidad ay magpapakita ng unified voice ng buong Eastern Visayas region sa isinusulong na Bagong Pilipinas ni Pangulong Marcos.
Ang Lakas-CMD ay magsisilbing co-host sa grand rally na katatampukan ng motorcade sa Tacloban City, at susundan ng unity program sa Tacloban Astrodome, kung saan inaasahang ilalahad ng lahat ng Alyansa senatorial candidates ang kani-kanilang plataporma.
Ang Eastern Visayas ay mayroong three-million registered voters at inaasahang magbibigay ng game-changing political bloc sa 2025 elections.
Bahagi ng Alyansa Senatorial line-up sina Benhur Abalos, Abby Binay, Pia Cayetano, Lito Lapid, Bong Revilla, Francis Tolentino, Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, Tito Sotto, Erwin Tulfo, and Camille Villar.
Imbitado rin sa pagtitipon ang 12 pang mambabatas mula Eastern Visayas na sina Reps. Gerardo Espina Jr. (Biliran, Lakas-CMD), Maria Fe Abunda (Eastern Samar, Lakas-CMD), Lolita Javier (Leyte, Nacionalista Party), Anna Veloso-Tuazon (Leyte, National Unity Party), Richard Gomez (Leyte, Partido Federal ng Pilipinas), Carl Cari (Leyte, Lakas-CMD), Paul Daza (Northern Samar), Harris Ongchuan (Northern Samar, NUP), Stephen James Tan (Samar, Nacionalista Party), Reynolds Michael Tan (Samar, Lakas-CMD), Luz Mercado (Southern Leyte, Lakas-CMD), at Christopherson Yap (Southern Leyte, Lakas-CMD).
Inimbitahan din ang anim na gobernador ng Eastern Visayas—Gerard Roger M. Espina (Biliran, Lakas-CMD), Ben Evardone (Eastern Samar, PFP), Jericho Petilla (Leyte, NPC), Edwin Ongchuan (Northern Samar, PFP), Sharee Ann Tan (Samar, Nacionalista Party), and Damian Mercado (Southern Leyte, Lakas-CMD).
Ayon kay Speaker Romualdez, malinaw ang paninindigan ng Eastern Visayas na suportahan ang mga kandidatong may malasakit, may bisyon, at may konkretong plano para sa bayan.
Bahagi rin ng aktibidad ang paglalahad ng legislative priorities at local programs sa rehiyon nan aka-angkla sa plataporma ng Alyansa sa trabaho, edukasyon, kapayapaan, at inclusive growth.