Advertisers

Advertisers

MAMAMAYAN NG LAGUNA NANAWAGAN SA COMELEC

0 9

Advertisers

SUMUGOD na sa tanggapang ng Commission on Election (Comelec) upang manawagan kay Comelec Chairman George Garcia ang mamamayan ng Laguna upang idiskwalipika sina Gov. Ramil Hernandez at Congw. Ruth Hernandez.

Matatandaan na sinampahan ng diskwalipikasyon sa COMELEC kamakailan ng nga concern citizen ng Lalawigan ng Laguna sina incumbent Laguna Governor Ramil Hernandez, tumatakbong kingresista at Congresswoman Ruth Hernandez na tumatakbong gobernador ng Laguna sa Halalan 2025 midterm elections na gaganapin sa Mayo 12, 2025, dahil sa umano’y pagbili ng boto sa pamamagitan ng blue health card.

Ang pag-asawang Hernandez ay nagpalit posisyon, si Gobernador Ramil ay tumatakbo bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Laguna, habang si Representative Hernandez ay tumatakbo bilang gobernador.



Sa disqualification petition na inihain ng private citizen na si Celito J. Baron sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila, inakusahan ang mag-asawang Hernandez ng malawakang pagbili ng boto sa Laguna.

Sa pahayag ng nagreklamo sa petisyon, ang mga residente mula sa Cabuyao City ay dinala umano sa isang bodega sa Calamba City, para sa isang poll watchers’ orientation at pagsasanay.

Bukod sa blue hewalth card, ang bawat dumadalo sa orientation ay binibigyan umano ng t-shirt na may mukha ng mag-asawa, kasama ang pagkain, tubig, at isang sobre na naglalaman ng P2,000.

Wala pang pahayag ang kampo ni Hernandez hinggil sa disqualification petition.