Advertisers
HINDI magkamayaw sa mainit na pagsalubong ang mga taga Bagong Ilog kay mayoralty candidate Ate Sarah Discaya at team ‘kaya this’ sa lungsod ng Pasig.
Ang mainit na pagtanggap ng mga residente ng Bagong Ilog kay Ate Sarah ay sinuklian ng bawat isa sa pagdalo sa idinaos na caucus upang marinig ang mga plataporma nito sakaling maluklok bilang City Mayor sa Mayo a-12 sa araw ng eleksyon.
Ang caucus ay ginanap sa isang covered court sa ilalim ng C5 Fly over sa bagong ilog na nagsisilbing recreation ng Barangay.
Sa talumpati ni Ate Sarah, sinabi nito na nais nyang matulungan ang mga walang tahanan, ang bahaging ito kasi ng C5 sa bagong ilog ay dating pinananahanan ng mga iskwater, subalit noong gawin ang C5, maraming kabahayan ang dinemolish.
Karamihan sa mga naninirahan na tinamaan ng highway at ng konstruksyon ng fly-over ay nirelocate o itinapon ang karamihan sa mga relicatysite sa lalawigan Rizal, subalit mayroong Ilan na bumalik dahil nasa Pasig ang kanilang hanapbuhay.
Kaya ngat sinabi ni Ate Sarah na sa kanilang pinaplano na pagtatayo ng high rise building para sa mga walang tahanan, wala Silang itatapon o ililipat sa lalawigan ng Rizal o iba pang lalawigan.
Nauunawaan kasi niya na narito sa Pasig ang kabuhayan, trabaho o nego aat narito rin ang kanilang mga kamag-anak kaya hindi kinakailangan na ilayo o itapon ang mga ito sa malalayong lugar.