Advertisers
Hindi nakarating ang motorcycle vlogger na si Yanna sa pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) nitong Martes, Mayo 6 dahil sa isyu ng seguridad.
May mga natatanggap daw kasing pagbabanta sa buhay si Yanna mula nang mag-viral ang kanyang video, base sa naging pahayag ng kanyang abogado.
Bukod dito, katakot-takot din daw ang pang-iinsulto at pambabastos na natanggap niya sa mga basher.
Idagdag pa raw na na-expose ang address niya sa social media.
Humingi na ng paumanhin si Yanna sa LTO sa pamamagitan ng isang sulat pati na rin sa nakaalitan niyang pick-up driver sa isang kalsada sa Zambales na si Jimmy Pascua.
Handa raw siyang harapin ang anumang parusang ipapataw sa kanya ng LTO.
Samantala, sinabi ng driver na si Jimmy na itutuloy niya ang kasong kriminal laban kay Yanna dahil sa ginawa umanong pamamahiya sa kanya, kung saan nadamay din umano ang kanyang pamilya.