Advertisers

Advertisers

One Research Philippines Inc. (ORPI), pekeng survey firm!

0 51

Advertisers

CALABARZON — Lumilitaw na isang pekeng survey firm ang One Research Philippines Inc. (ORPI), matapos mabunyag na wala itong anumang rehistrasyon, track record, o online presence na maikukumpara sa mga lehitimong survey organizations sa bansa.

Batay sa isinagawang beripikasyon, ang Facebook page ng ORPI ay kakagawa lamang noong Enero 18, 2025, at ang tanging website na iniuugnay dito—http://www.oneresearchphinc.com/—ay hindi rin mabuksan. Walang makitang opisyal na dokumento, hindi rehistrado sa SEC, o datos tungkol sa naturang kumpanya sa alinmang online database, news archive, o research directory.

Taliwas ito sa mga kinikilalang survey firms gaya ng Social Weather Stations (SWS), Pulse Asia, Octa Resarch, Tangere, Publicus, Social Pulse Philippines, at RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na pawang may maayos na operasyon, dokumentadong survey methodologies, at opisyal na website.



Kaduda-duda rin ang mga inilalabas na survey results ng ORPI na nakatuon umano sa mga lokal na kandidato sa CALABARZON, partikular sa Cavite at Batangas. Lumalabas sa mga ulat na ginagamit ang pangalan ng ORPI upang maglabas ng “survey results” na pabor sa ilang kandidato — isang hakbang na maituturing na propaganda at panlilinlang sa publiko.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang naturang survey firm, at hinihimok ang lahat ng kandidato at botante na huwag magpapalinlang sa mga datos na inilalabas nito. Ayon sa COMELEC, mahigpit ang kanilang babala laban sa paggamit ng mga hindi awtorisado at hindi rehistradong survey group na maaaring gamitin sa disimpormasyon at black propaganda.