Advertisers

Advertisers

P1 BILYON PONDO NG CDO NILUSTAY NG CITY MAYOR?

0 8,858

Advertisers

ISANG whistle blower na may dokumento ng mga kuwesyonableng pagre-release sa pondo ng Cagayan de Oro ang nag-aalala na maaaring nagastos sa walang kuwentang mga bagay o di kaya’y sa pangangampaniya ngayong papalapit na eleksyon.., ang hindi nakatiis sa sumbat ng kanyang konsensya, kaya isiniwalat nito sa ilang taga-media ang hawak niyang mga ebidensiya.

Sa naturang dokumento ay naka-detalye ang sunud-sunod na pagre-release ng mga “cash advance” mula sa kaban ng local na pamahalaan ng CDO simula sa petsang December 16, 2022 hanggang sa kasalukuyang taon, na ito ay mga panahon sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Clarex Uy.

Umabot na sa halagang P330 million ang lumabas sa pondo ng bayan at ito ay napunta lamang sa kamay ng pitong tao at sa bulsa nang isa lamang sa kanila na-shoot ang kabuuang halagang P71.7 million – na ayon sa dokumento ng whistleblower: “Raising concerns over potential misuse of public funds, weak financial controls, and possible violations of procurement laws.”



Batay sa dokumento ay paulit-ulit ang release ng mga “cash advance” mula sa pondo ng CDO na umabot sa P1 bilyon na ikinagitla at halos hindi.mapaniwalaan ng mga constituent ng CDO sa isiniwalat ng kanilang dating City Administrator na napakaraming cash advances ang kanilang City Mayor na bilyong piso ang nawaldas mula sa pondo ng kanilang city government.

Nitong April 30 sa idinaos na press conference ni dating CDO City Administrator Teddy Sabugaa ay ibinulgar nito ang ilang maliliit na grupo ng bawat individual na ginamit ng City Hall para makapaglabas ng mga kuwestiyonableng cash advances mula sa public funds ay higit na eksplosibong dokumento ang hawak ngayon nito na ang mga ebidensiya ay direktang sangkot si Mayor Rolando “Klarex” Uy na tumanggap ito ng P694.6 milyon cash advances mula July 2022 hanggang March 2025.., na ang total exposed amount ng cash advances nito ay P1 BILYON sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Uy.

Kaya naman ay maigting na ipinapanawagan ng mga residente ng CDO na magsagawa ng malawakang pagsisiyasat ang Commission On Audit (COA), Deparyment of the Interior and Local Government (DILG), at iba pang LAW ENFORCERS hinggil sa malawakan at kuwestiyonableng cash advances mula sa City Government Funds sa liderato ni CDO City Mayor Uy.

“The use of public funds for personal and political advantage
is a gross abuse of power—and a betrayal of the public trust. The people of Cagayan de Oro deserve to know the truth, and those responsible must be held accountable,” pahayag ni dating CDO CITY ADMINISTRATOR SABUGAA.

Ang masaklap pa ay maraming mga sources ang nag-aakusa kay Mayor Uy na ginamit umano nito ang City Government Funds para bayaran ng P6,000 per voters para sa pagsuporta sa kaniyang anak na si Kikang Uy na kumandidato sa Barangay Position.., na ito ay nagdulot ng RED FLAGS sa posibilidad na paglabag sa Election Laws, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa COA Regulations.



Ayon sa opisyal na dokumentong ibinigay sa ilang taga media ni Sabugaa, noong taong 2013 hanggang 2022, ang pangalan ng mga taong tumanggap ng “bulk of the disbursements” ay: “Cyril Ranile, Jade Adeser, Xsyclyn Faith Lumbatan, Jasmin Maagad, Rhapsody Gaabucayan, Mark Kenneth Jalapadan, Remy Labiano and Sheila Lumbatan…Individual totals ranged from ?25 million to over ?71 million.

Batay sa isang ‘internal report’ ay “This is highly irregular…the cash advance system is meant for urgent, specific needs — not for repeated multimillion-peso disbursements concentrated among a few individuals.”

Bahagi pa nito: “Government regulations under COA Circular No. 97-002 and Republic Act 9184 (Government Procurement Law) strictly limit the use of cash advances and require immediate liquidation after use. Analysts warn that repeated large advances could point to splitting of transactions, circumvention of procurement processes, and ghost project risks.

Ang mga cash advances ni Mayor Uy base sa mga iprinisenta ni Sabugaa ay ang extraordinary and miscellaneous; covid 19 order initiatives; confidential funds; extra confidential funds; cash advance for terrorism responsiveness and deterrence seminar; at ang family drug abuse prevention program Phase II.

“We strongly urge the COA, the DILG, and relevant authorities to launch a full-scale investigation. The people of Cagayan de Oro deserve to know the truth and those responsible must be held accountable,” saad ni Sabugaa.