Advertisers

Advertisers

P9.6 BILLION NA PONDONG INILAAN PARA SA BAGONG CITY HALL BUILDING SA PASIG, HALAGA NA NG SAMPUNG INFRA PROJECTS

0 9

Advertisers

INILAHAD ni Pasig City Mayoralty candidate Sarah Discaya ang kaniyang sampung major projects na kayang pondohan ng P9.6 billion na parehong halaga ng ipinatatayong bagong Pasig City Hall Building ni Mayor Vico Sotto.

Ayon kay Discaya, sa halaga ng pondong P9.6 billion kayang magpagawa ng bagong City Hall Building (P2.7 Billion); 1 Unit ng bagong 11-storey Hospital (P500 Million); 5 Units ng bagong 11-storey Housing Buildings (P2.0 Billion; bagong 11-storey University Building (P500 Million); 5 Units ng bagyong 7-storey High School Buildings (P500 Million); 5 Units ng bagong 4-storey Elementary School Buildings (P500 Million) dalawang bagong tulay (P300 Million);10 Units ng 3km Roads sa Brgy. Pinagbuhatan (P100 Million); 3km Drainage & Flood Control sa Brgy. Pinagbuhatan (P100 Millionat; 30 na bagong Multi-Level Multi-purpose Halls & Covered Courts (P1.5 Billion).

Ayon kay Discaya, mas maraming pakikinabangang serbisyo ang mga mamamayan sa halagang P9.6 billion na budget .



Ang bagong City Hall Building ay pakikinabangan nang lahat ng residente, ang bagong ospital ay pakikinabangan ng mahihirap na pamilya na hindi kayang makapagpagamot, ang Housing Buildings ay para magkaroon ng tahanan ang mga informal settlers sa Pasig, habang ang mga school buildings ay para sa mga mag-aaral.

Ang mga bagong tuay at lansangan ay pakikinabangan ng mga motorista at residente at ang Drainage at Flood Control ay importante lalo na sa mga bahaging lugar sa lungsod.

Ayon kay Discaya, ang napakalaking halaga na ginugol para sa bagong City Hall building ay maaaring may bahid korapsyon dahil ipinapakita nito ang hindi angkop na paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Tiniyak ni Discaya na sakaling siya ay palarin, epektibo niyang gagamitin ang pondo ng LGU at nangako rin siya ng transparency gaano man kaliit o kalaki ang halaga ng pondong ilalaan sa bawat proyekto. ###