Advertisers

Advertisers

‘Senior Care Center’ itatayo sa Dist. 2 ni Cong. Carlo Lopez

0 5

Advertisers

Sa bawat sulok ng Distrito Dos, may mga matatanda tayong tahimik na lumalaban sa hamon ng buhay mga lolong minsan dating haligi ng tahanan, at mga lolang buong buhay nag-alay ng oras, pag-aaruga, at pagmamahal sa kanilang pamilya.

Ngayong sila naman ang nangangailangan ng kalinga, panahon na upang atin silang alalahanin, ipaglaban, at bigyan ng nararapat na atensyon.



Ito ang layunin ng plano ni Cong. Carlo Lopez: ang pagtatayo ng isang ‘Senior Care Center’ sa Distrito Dos isang lugar na may malasakit, pag-aaruga, at suportang medikal para sa ating mga minamahal na senior citizens.

Hindi ito basta pasilidad, simbolo ito ng pagkilala sa karapatan, dignidad, at halaga ng mga nakatatanda sa ating lipunan.

Sa ilalim ng pamumuno ni Cong. Carlo Lopez, hangad nating maibalik ang serbisyo publiko sa mga tunay na nangangailangan at isa sa mga prayoridad dito ang ating mga lolo’t lola.

Sa Distrito Dos, walang maiiwan. Lalong-lalo na ang mga nagmahal, naglingkod, at nagsakripisyo para sa atin noon.

Serbisyong may puso ihahandog ni Cong. Carlo Lopez sa mga Manilenyo ng Distrito 2.