Advertisers

Advertisers

Senior Citizens Party-List mainit na winelcome si Mayor Honey sa sektor ng seniors

0 12

Advertisers

MAINIT at ipinagkakapuring sinalubong ng Senior Citizens Party-list si Mayor Honey Lacuna sa sektor ng mga seniors at sinabing magandang halimbawa ang alkalde sa mga bata at nakatatandang henerasyon sa kabisera ng bansa. SI Lacuna ay nagdiwang ng kanyang ika-60 kaarawan noong May 6.

“Taglay ni Mayor Honey ang mga katangian ng mabuting lider na may prinsipyo, may isang salita, at tumutupad sa pangako,” pahayag ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes.

Muling inulit ni Ordanes ang kanyang panawagan sa lahat ng senior citizens sa lungsod na suportahan si Lacuna at sinabing ginawa ng alkalde ang Maynila bilang nag-iisang lungsod kung saan ang allowance ay katumbas ng national indigent senior’s pension.



“Sa darating na Mother’s Day, ikasa na ninyo na ang inyong desisyong piliin sa araw ng halalan si Mayor Honey Lacuna—ang tanging Ina ng Maynila, at kanyang mga kapanalig sa Asenso Manileño,” dagdag pa nito.

“Si Mayor Lacuna ay mabuting ehemplo sa mga kabataang Manileño. Nagtapos siya ng kolehiyo, nagsumikap maging doktor, pumasa sa board exam, at nag-aral pa more para maging espesyalistang doktor sa mga sakit sa balat. Pinalakas ni Mayora ang sustento at subsidy ng Maynila para sa PLM at UDM. Dinagdagan niya ang mga school buildings at kagamitan sa mga paaralan,” ayon pa kay Ordanes.

Binanggit din ni Ordanes na pinalalakas pa ni Lacuna ang ekonomiya ng lungsod kung saan ang economic output ng Maynila noong 2024 ay halos lagpasan ang P1 trillion target.

“Talaga ngang masinop, hindi nangungutang, hindi nagbenta ng ari-arian ng Lungsod at siya pa ngang nagbabayad ng utang ng nakalipas na administrasyon,” pagbibigay diin nito.

Hindi rin nakalimutan ni Ordanes na pansinin ang alkalde na sa kabila ng isa na itong senior ang stamina nito ay para pa ring young adult o sa katulad ng isang nilalang na kalahati ng kanyang edad at nananatiling remarkably fit dahil sa kanyang disiplinadong lifestyle. (ANDI GARCIA)