Advertisers
NAGBABALIK ang Nathan Studios sa “Picnic” —isa nanamang groundbreaking at moving na pelikula na siguradong swak sa panlasa ng mga Pinoy.
Unang pinalabas ang “Picnic” sa South Korea at dinirek ito ni Kim Yong-gyun. Ni-reimagine ng Nathan Studios ang pelikulang ito bilang isang Filipino-language movie.
Patuloy na pagiging tapat at consistent ng Nathan Studios sa commitment nito sa paghain ng mga kakaiba at de kalidad na istorya para sa mga Pinoy. Kaya naman pinili nito ang “Picnic” bilang Mother’s Day offering ngayong 2025.
Sa pamumuno ni Ria Atayde na President at CEO ng Nathan Studios, binigyan nila ng distinct Pinoy flavor ang “Picnic” nang pinagsama-sama nila ang isang intergenerational cast na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood.
Nais ng Nathan Studios na ma-experience ng mga Pinoy ang istorya.
Hatid ng “Picnic” ang mga tema na tunay na mahalaga para sa mga Pilipino gaya ng pagtanda, mga kumplikadong family dynamics, pakikipag-kaibigan, at ang paglalakbay ng mga kababaihan bilang mga ina.
Nakaka-antig ang “Picnic” dahil taglay nito ang tunay na pagmamahalan na subok na ng panahon.
Gagampanan ng award-winning actress na si Ces Quesada ang papel ni Eun-sim. Markado ang paganap ni Ces, puno ito ng quiet strength at vulnerability.
Isinalarawan naman ng mga early reviews ang voice acting ng Pinoy Big Brother: Gen 11 winner na si Fyang Smith — na ginampanan ang younger version ni Eun-sim — bilang isang scene-stealer.
Tampok din ang industry legend na si Nova Villa, na gagampanan ang papel ni Geum-soon, ang childhood best friend ni Eun-sim. Kaabang-abang ang kakaibang performance ni Nova na talaga namang tutunaw sa puso ng mga manonood.
Ang acting legend naman na si Bodjie Pascua ang kukumpleto sa central trio ng pelikula sa kanyang sensitibong paganap sa papel ni Tae-ho na haharapin ang kanyang mga nakatagong emosyon.
At gagampanan naman ng on-scren partner ni Fyang na si JM Ibarra ang papel ng batang Tae-ho na siyang nagbigay ng karagdagang lalim sa karakter.
Ang mga orihinal na aktor na tampok sa “Picnic” ay ang South Korean superstars na sina Na Moon-hee (Eun-sim), Kim Young-ok (Geum-soon), at Park Geun-hyung (Tae-ho).
Kinunan ito sa Pyeongsan-ri, Namhae-gun na isang tahimik na village sa South Gyeongsang Province, kung saan maraming lush visuals at serene rural landscapes na lalong nagpaganda sa pelikula.
Sa budget nitong 1.2 billion KRW ($911,000.00), USD$2.2M ang kinita ng original South Korean version ng “Picnic.”
Dalawang linggong nasa top spot ito ng independent at art-house box office charts ng South Korea at umani ito ng critical acclaim para sa sensitibong atake nito sa mga seryosong paksa.
Nominated din si Park Geun-hyung sa Best Supporting Actor category ng Baeksang Arts Awards — patunay sa husay ng pelikula.
At makikita pa rin ang husay ng pelikula sa Pinoy dub ng Nathan Studios sapagkat ramdam pa rin dito ang lumalalim na misyon ng studio: ang makapaghatid ng magagandang istorya na kumakausap sa puso ng bawat Pinoy.
Sa kaso ng “Picnic,” muli na namang naghahain ang Nathan Studios na binabali ang nakasanayang konsepto ng pamilya.
Habang hindi naman nabago ng Filipino-dubbed version ang istorya, ginawa naman nitong mas swak sa panlasang Pinoy ang pelikula nang pinagsama-sama nila ang ilan sa mga respetadong artista ng Pilipinas para bigyang buhay ang mga karakter.
Ang resulta ay isang viewing experience na pamilyar na pamilyar para sa lahat — ang pag-aalaga sa mga nakakatanda at pagpapahalaga sa mga kaibigan at pamilya.
Solid ang Nathan Studios sa paniniwala nito sa kapangyarihan ng storytelling kaya naman pangangaralan nila ang mga ina at kanilang mga pamilya.
Pinapakita ng pelikula kung paano mabuhay ng may tunay na pagmamahalan.
Hindi lang tearjerker ang “Picnic” dahil kapupulutan din ito ng madaming aral.
Sapol sa puso ang “Picnic.”
Para sa screening schedules, sundan ang @nathan.studios sa Instagram at bisitahin ang facebook.com/nathanstudiosinc.