Advertisers

Advertisers

Tagapagtaguyod ng Good Governance

0 19

Advertisers

Ni Oggie Medina

MATAGAL ko nang hinahangaan si Heidi Mendoza sa kanyang husay sa larangan ng accounting. Pangarap ko noong maging isang accountant kaya Economics at Accounting (double degree) ang aking kursong napili dahil hilig ko ang mga numero. Pero nag-file na ako ng graduation at di tinapos ang accounting.

Idolo ko ang aking tiyuhin, si Jim M. Fernandez (ang lumikha ng ZUMA sa komiks) na nagtapos ng accounting sa UST.



Ang pinsan kong si Elizabeth Daigdigan, dating head ng accounting department sa Malacanang, ay nagtrabaho dati sa UP Diliman at nagtapos ng accountancy sa PUP.

Si Heidi Mendoza, na tubong Tayabas, Quezon (doon isinilang at lumaki ang aking lola), ay nagtapos ng accountancy sa Sacred Heart College sa Lucena City. Nag-aral din si Heidi sa UP Diliman at National Defense College of the Philippines. Naging COA commissioner at naglingkod sa UN Office of Internal Oversight Services. Siya’y Isang PhD candidate sa Vrije Universiteit Amsterdam.

Wika nga ni Winnie Monsod, “Bilib na bilib talaga ako kay Heidi. So ever since then, I will invite her to my shows and she always had a fantastic explanation. She was able to analyze the questions. She was always to give logical answers, and I was impressed with her confidence.”

Kahit na nasa USA ako sinagot niya ang aking tanong
ukol sa pagiging isang ina: “Being a mother often feels like my relentless and passionate fight against graft and corruption—you cannot afford to pause, and exhaustion is a luxury you simply cannot have. It demands constant vigilance, unwavering commitment, and emotional resilience. Is it tiring? Yes. Is it worth it? Absolutely.”

Si Heidi Mendoza kasama si “Superstar” Nora Aunor