Advertisers

Advertisers

Tuguegarao mayor sinampahan ng disqualification case

0 408

Advertisers

ISANG abogado ang nagsampa ng disqualification case laban kay Mayor Maila Ting-Que ng Tuguegarao City sa Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes dahil sa abuse of state resources (ASR) upang isulong ang kanyang kandidatura.

Sa reklamong may docket number na SPA No. 25-131, inakusahan ni Atty. Ronald Brillantes si Ting-Que ng paggamit ng mga kagamitan, empleyado, at makinarya ng pamahalaang lungsod ng Tuguegarao para sa kanyang kampanya—isang malinaw na paglabag sa mga batas sa halalan na nagbabawal sa paggamit ng ari-arian ng gobyerno para sa pansarili o pampulitikang dahilan.

Ayon kay Brillantes, ginamit umano ni Ting-Que ang ilang ari-arian ng lungsod, gaya ng mini-dump truck, pickup truck, L3100 van, portable stage, at mga plastic monobloc chairs.



Ginamit ang mga sasakyang ito at mga kawani ng gobyerno sa pagdadala ng campaign paraphernalia papunta at pabalik mula sa mga lugar ng campaign rally.

Nakasaad din na ginamit ang mga kagamitan ng pamahalaang lungsod, gaya ng portable stage, sa mga kampanya at rally sa siyam (9) na barangay sa Tuguegarao.

“On several occasions, particularly during her campaign activities and rallies, the above-mentioned properties were used by Respondents for her own personal gain and benefit and to promote her re-election,” nakasaad sa petisyon.

Ayon kay Brillantes, ang ganitong mga gawain ay hindi lamang nagbibigay ng hindi patas na kalamangan sa halalan, kundi sumisira rin sa tiwala ng publiko sa pamahalaang lokal.

Kapag napatunayang guilty, maaaring madiskwalipika si Ting-Que sa pagtakbo o panunungkulan sa anumang pampublikong posisyon.