Advertisers

Advertisers

Vlogger kinasuhan sa ‘fake news’ sa raid vs Duterte

0 8

Advertisers

Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes na naghain na ng cybercrime complaint laban sa vlogger na na nagpakalat umano ng fake news hinggil sa umano’y pagsalakay sa bahay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa PNP, ang reklamo laban sa vlogger ay para sa “unlawful use of means of publication and unlawful utterances under the Revised Penal Code in relation to the Cybercrime Prevention Act of 2012.”



Isinampa ng Police Regional Office 11 at ng Anti-Cybercrime Group ang reklamo.

“Ito po kaugnay sa report ng vlogger na meron 30 [Criminal Investigation and Detection Group] at 90 [Special Action Force]  personnel na nanggaling sa Luzon na ni-raid ang bahay ng dating pangulo noong gabi noong April 30,” pahayag ni PNP public information office head Police Colonel Randulf Tuaño sa isang press briefing.

Nauna nang sinabi ni Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte na nagpadala ng police personnel sa kanilang lugar. Itinanggi naman ng PNP ang mga akusasyon.

Tumanggi si Tuaño na isiwalat ang pagkakakilanlan ng vlogger, sinabing nais ng PNP na hintayin ang warrant na ipalalabas laban sa indibidwal.

Inilahad ng PNP official na lalaki ang vlogger na nagsimulang mag-vlog noong May 2020 at nakapaglabas na ng 218 videos. Ang vlogger ay mayroon ding 218,000 subscribers at mahigit 20 million views.



Kamakailan, naglunsad ang PNP ng komiteng binubuo ng iba’t ibang ahensya upang labanan ang pagkalat ng fake news.

Nilalayon ng Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC) na papanagutin ang fake news peddlers at bumuo ng framework upang agad na matanggal ang maling impormasyon online.