Advertisers

Advertisers

60-anyos na ina kinarne ng anak

0 5

Advertisers

Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng 60-anyos na nanay nang pagsasaksakin ng sariling anak sa loob mismo ng kanilang bahay sa Brgy. Matanag, Legazpi City, Albay.

Kinilala ang biktima na si Rosalia, maglalako ng gulay at residente ng naturang lugar



Sinubukan pang isugod ng mga kapitbahay sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay sanhi ng malalim na mga saksak sa katawan ang biktima. Nahaharap sa kaukulang kaso ang arestadong suspek na si Ter, 26-anyos.

Sa ulat, 11:00 ng gabi inaayos ng biktima ang panindang gulay na ilalako kinabukasan nang biglang bumangon ang natutulog na salarin. Sa hindi malamang dahilan kinuha nito ang kutsilyo na nakapatong sa upuan at walang kaabog-abog na pinagsasaksak ang ina.

Wala namang nagawa ang tatay na may kapansanan at isang kapatid na babae habang nagaganap ang pananaksak.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">