Advertisers

Advertisers

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

0 11

Advertisers

Tila ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok sa Magic 12 kaysa manalo si Senador Nancy Binay laban sa kabiyak nitong si Atty. Luis Campos sa mayoralty race ng Makati City.

Sa kanyang speech kamakailan sa campaign trail sa lungsod, sinabi ni Abby Binay na pumunta siya sa rally upang ikampanya ang Team United na pinamumunuan ng kabiyak na si Atty. Campos na tumatakbong alkalde laban sa kapatid nitong si Senador Nancy Binay.

Aniya, sa mamamayan na dumalo sa rally na kahit hindi nila iboto ang sarili bilang senador, basta iboto lamang ang straight Team United,



Tumatakbo ang kapatid nitong si Senador Binay sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) ang partidong itinayo ng ama nilang si dating Vice President Jejomar Binay.

“Andito ako sa pagbigay ng suporta sa Team United. Sasabihin ko ito, kahit huwag nyo na akong iboto, iboto nyo na lang straight ung Team United. Ganito po ka-importante sa akin ang Team United,” ani Abby Binay,

Sinabi pa ni Abby Binay na huwag na din siyang ikampanya sa Makati City dahil mas importante sa kanya na manalo ang buong slate ng Team United sa Makati.

“Sinasabi na ikakampanya daw po ako, tumatakbo akong senador sa Senado, huwag nyo na akong ikampanya, dahil mas importante po sa akin ang manalo ang buong slate ng Team United sa Makati,” ani Abby Binay.

Aniya, bonus lamang ang kanyang pagtakbo sa Senado na hindi naman nito ikamamatay (sakaling matalo) at mas gugustuhin niyang makitang manalo ang kabiyak kaysa manalo si Senador Nancy.



“Iyong pagtakbo sa Senado ay bonus lang hindi ko naman ikamamatay, hindi naman akong masyadong excited pero kung mananalo man tayo sa Senado, itaga nyo sa bato, lagi nyo akong makikita sa TV,” aniya.

Ngunit, sakaling masungkit ang puwesto sa Senado, tiniyak ni Abby Binay na “makikipag-away” ito hinggil sa nangyari sa 10 barangay ng EMBO na ibinigay ng Supreme Court sa Taguig City.

“Lagi nyong maririnig ang boses ng isang senador na taga Makati, Lagi nyo akong makikitang makikipag-away doon. Bagay na bagay ako doon. Feeling ko nga parang nineerbiyos na sila kailangan po natin sa senado,” ayon kay Abby Binay.