Advertisers
Tinanghal na valedictorian si Cadet First Class Jessie Jr. Ticar mula Quezon City sa PMA SIKLAB-LAYA Class of 2025.
Sa edad na 23, si Ticar, na mula sa isang mahirap na pamilya, ay nakamit ang summa cum laude, at siya ang ika-apat na PMA cadet sa kasaysayan ng akademya na nagtagumpay dito.
Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, tulad ng ina niyang nagtitinda ng ballpens at envelopes at amang naging person with disability (PWD), ipinagpatuloy ni Ticar ang pagsusumikap at nakamit ang tagumpay.
Makatatanggap siya ng siyam na parangal, kabilang na ang Presidential Saber na ipagkakaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Ticar, ang kanyang hirap na pinagmulan ang nagtulak sa kanya upang magtagumpay at maitawid ang kanyang pamilya mula sa kahirapan. Binanggit niyang bawat kadete ay may kanya-kanyang kwento, ngunit pare-pareho silang may layunin na maging mahusay at may prinsipyo na mga opisyal ng militar.
Ang Top 10 na mga cadet ng PMA Class of 2025 ang mga sumusunod:
Ika-2: Kadete Murthan P. Zabala
Ika-3: Kadete Joana Marie D. Viray
Ika-4: Kadete Carlo A. Badiola
Ika-5: Kadet Jetron Giorgio A. Nazareno
Ika-6: Kadete Kobe Jo Ann Q. Pajaron
Ika-7: Kadete Malvin Brian N. Dapar
Ika-8: Kadete Elzur D. Salon
9th: Cadet Aprilyn A. Magsigay
Ika-10: Kadete Kristine Kate C. Senados
Ang klase ay binubuo ng 266 kadete, kung saan 212 ay lalaki at 54 ay babae. Sa mga magtatapos, 127 ang pupunta sa Philippine Army, 58 sa Philippine Air Force, at 71 sa Philippine Navy. Binanggit ni PMA Superintendent Vice Admiral Caesar Bernard N. Valencia na ang klase ay isang halimbawa ng tibay at lakas ng loob.
Magpapakilala ng mga bagong asignatura tulad ng cyber warfare, AI, at drone warfare ang PMA sa susunod na taon at patuloy na ilalantad ang mga kadete sa mga internasyonal na karanasan. Ang klase rin ang unang nagsagawa ng joint field training exercise sa West Philippine Sea. (Boy Celario)