Advertisers

Advertisers

Cong. Manny Lopez dinumog ng Manilenyo sa Miting de Avance sa Distrito 1

0 7

Advertisers

Hindi mahulugang karayom ang isinagawang ‘Miting de Avance’ ng grupong Asenso Manilenyo sa Distrito 1, Zaragoza cor. Delpan Streets Tondo, Maynila nitong Mayo 8, 2025.

Dinumog naman ng mga tao si Congressman Manny Lopez ng dumating ito sa pagtitipon at nagpakuha ng larawan, kumamay at ang ilan buong higpit itong niyakap.



Ayon sa mga residente ng Distrito Uno, na nagagalak sila sa muling pagbabalik ni Cong. Manny sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa mga Manilenyo.

Hindi pinalampas ng mga residente ng Distrito Uno ang nasabing Miting de Avance, upang mapakingan nila ang maliwanag na plataporma de gobyerno ng bawat isang kandidato ng Asenso Manilenyo partikular na ang kay Cong. Manny.

Ayon kay Cong. Manny nalalapit na ang araw ng paghuhukom para sa isang paghamon kung saan ang taumbayan ang huhusga sa kapalaran ng bayan ng Tondo.

Ipinahayag ni Cong. Manny ang kanyang paninindigan, makatao, at tapat na paglilingkod para sa Distrito 1. Ibinahagi rin niya ang mga gagawin niyang hakbang at proyekto sa ilalim ng kanyang panunungkulan kung sakaling muli siyang maluluklok na  kongresista sa Distrito Uno.

Kabilang sa kanyang mga proyekto ang pagpapalakas ng serbisyong medikal, pagtutok sa edukasyon, at pagsuporta sa mga programang pangkabuhayan.



Nanawagan si Cong. Manny sa mga taga-Distrito Uno na manatiling mapanuri at makiisa sa pagsusulong ng tunay na pagbabago.

Muli naninikluhod si Cong. Manny Lopez sa mga residente ng Dust. 1 na piliin ang tamang kandidato na may puso para sa kapakanan ng bayan at hindi pansarili lamang.

“Mabuhay at iboto buong team ng Asenso Manileño para magpatuloy ang pag-unlad  ng Maynila,” pagwawakas ni Cong. Manny Lopez.