Advertisers

Advertisers

P420K parcel tinangay sa LBC ng 2 kawatan

0 3

Advertisers

NILIMAS ng dalawang hindi pa kilalang magnanakaw ang isang branch ng LBC Express sa bayan ng Mabini, Batangas bandang ala una hanggang alas dos ng madaling araw nuon araw ng Miyekules sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Ayon sa report ng Mabini Municipal Police Station sa pangunguna ni acting Chief of  Police Major Billy John Mactal, nagtungo sa kanilang istasyon ng pulisya ang isang Danny Bautista, nuon umaga ng kaparehong araw ng nangyari ang insidente para ireport ng mangyari ang pagnanakaw sa LBC Express Mabini Branch na pagmamay ari ni, Ginang Paula Bautista, na isa ring doktor at residente sa Brgy. San Antonio ng San Pascual, Batangas.



Nakita umano sa CCTV monitor na sinira ng dalawang hindi pa kilalang suspek ang roll up door ng nasabing establisimyento gamit ang isang bolt cutter at binasag ang salamin na pintoan at ng makapasok na sa loob  ang mga suspek ay isa-isang kinuha ang limang (5) parcels na nakapangalan sa isang customer na si Marelyn D. Laurente, ng Brgy. Anilao East sa Mabini, na naglalaman ng mga assorted jewelries o alahas at nagkakahalaga ng P419, 216.00. at mabilis na tumakas ang dalawang suspek patungo sa di pa tukoy na direksyon.

Nagsasagawa na ngayon ng follow up operation and investigation ang mga otoridad para mabilis na madakip ang dalawang hindi pa kilalang suspek at hindi rin ini-a-alis ng mga otoridad ang posibleng “inside job” sa naturang insidente ng pagnanakaw.(Koi Laura)