Advertisers
ISINIWALAT ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang agresibo at delikadong hakbang ng mga barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at Chinese Coast Guard (CCG) laban sa nag-iisang barko ng Philippine Navy malapit sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) noong nakaraang Lunes, ika-5 ng Mayo.
Sa inilabas na pahayag ng AFP, nasa patrol mission ang BRP Emilio Jacinto (PS-35) nang mangyari ang insidente.
Sinabing naging agresibo ang mga aksyon ng dalawang Jiangkai II-class frigates ng PLAN at CCG vessel 5403.
Isa sa barko ng PLAN ang nakabuntot sa BRP Emilio Jacinto samantalang ang isa ay muntikan nang mabangga ang barko ng PN.