Advertisers

Advertisers

Pulis na tutol sa Duterte arrest sibak na!

0 2

Advertisers

Inihayag ng National Police Commission (NAPOLCOM) na tuluyan nang sinibak sa serbisyo si Patrolman Francis Steve Fontillas, ang pulis na nag-viral dahil sa kaniyang mga social media post kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa NAPOLCOM nitong Huwebes, ang pag-dismiss kay Fontillas bunga ng isang unanimous decision ng NAPOLCOM en banc sa isinagawang summary dismissal proceedings.



“During the NAPOLCOM En Banc Deliberations, Fontillas was found guilty of Grave Misconduct, Conduct Unbecoming of a Police Officer and also Disloyalty to the Government,” pahayag ng NAPOLCOM.

“Aside from Dismissal, the NAPOLCOM En Banc also meted out the accessory penalty of perpetual disqualification from public service,” dagdag pa nito.

Bagamat nagbitiw na si Fontillas sa PNP noong Abril 10 ayon sa Quezon City Police District (QCPD), iginiit ng NAPOLCOM na hindi ito hadlang sa pagpapatuloy ng mga kasong administratibo at kriminal laban sa kaniya.

“Since Fontillas was already formally charged in the NAPOLCOM before his resignation, the NAPOLCOM already acquired jurisdiction over his person. Thus, no matter what Fontillas claims, he cannot conveniently escape liability through resignation, and was thus made liable, as he should be,” ani NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan.

Nagsampa ng mga kasong administratibo ang NAPOLCOM laban kay Fontillas, kabilang ang grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer. Samantala, nagsampa rin ang QCPD ng kasong kriminal na inciting to sedition.(Mark Obleada)