Advertisers
Nasa 30 guro mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga umatras para magsilbi bilang miyembro ng election registration board (ERBs) para sa nalalapit na halalan sa Mayo 12, 2025.
Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na mayroong mga hindi bababa sa 30 na mga guro ang hindi makakapaglingkod sa Bangsamoro na ang dahilan ay karamdaman o dahil sa kanilang relasyon sa mga kandidato.
Ayon kay Garcia, magtatalaga ang Comelec ng mga miyembro ng Special Electoral Board mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP) bilang kapalit ng mga gurong umatras.
Garcia,
Noong Abril, Nasa 4,000 na bilang ng mga police personnel ang hiniling ng Comelec sa PNP na magagamit bilang mga special ERB members kung sakaling hindi makapaglingkod ang mga guro sa araw ng eleksyon.