Advertisers

Advertisers

6 tulak, arestado sa Valenzuela

0 8

Advertisers

Huli ang anim na tulak kabilang ang isang high-value individual o HVI matapos ang ikinasang buy-bust operations sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas ‘Wangbu’, 38-anyos, isang HVI at kilalang pusher; at lima pang lalaking suspek, edad 33 hanggang 41 taong gulang.

Naaktuhan ang mga suspek na nagpa-pot session nang isagawa ang operasyon.



Narekober mula sa kanila ang 60 gramo ng umano’y shabu na may standard drug price na P408,000 at ilang drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Beth Samson)