Advertisers

Advertisers

Abalos at Pacquiao lumobo ang suporta; Imee Marcos ibinagsak ng Solid North

0 10

Advertisers

SA pinakabagong pambansang survey ng McHenry & Associates kaugnay ng 2025 halalan sa Senado, kapansin-pansin ang pag-angat ng suporta para kina DILG Secretary Benhur Abalos at dating world boxing champion Manny Pacquiao—kapwa ngayon ay pasok sa Top 12 na may halos magkapantay na boto mula sa mga botante.

Batay sa survey na isinagawa mula Mayo 5 – 7 sa 3,700 respondents, si Abalos ay umani ng 33.2% na suporta habang si Pacquiao ay malapit sa kanya sa 33.0%. Ang biglang pag-angat ng dalawa ay iniuugnay ng mga analyst sa kanilang aktibong kampanya, malawak na network sa mga komunidad, at matatag na reputasyon bilang tagapagtaguyod ng reporma.

Si Abalos ay kinikilala sa kanyang pamumuno sa mga internal na reporma sa gobyerno at seguridad, habang si Pacquiao ay nananatiling popular sa masa dahil sa kanyang adbokasiya para sa mahihirap.



Kasabay nito, bumagsak ang suporta para sa ilang kilalang pangalan. Si Senadora Imee Marcos ay lumagpak sa ika-17 puwesto na may 25.9%, na maaaring magpahiwatig ng kanyang pagkakalaglag sa Magic 12. Ayon sa mga tagamasid, ito’y bunga ng unti-unting paglayo ng “Solid North”, na tila dismayado na sa kanyang pamumulitika at mga kontrobersyal na pahayag.

Hindi rin nakaligtas si Camille Villar, na nasa ika-15 puwesto (27.2%), matapos masangkot ang isang kompanyang pag-aari ng kanilang pamilya sa mga isyu ng water service interruptions at umano’y pag-abuso sa kita. Ito ay tinutukoy na dahilan ng pagbaba ng kanyang popularidad sa mga botanteng urban at nasa gitnang uri.

Ayon sa McHenry & Associates, ang resulta ay nagpapakita ng patuloy na pagsasanib ng mga personalidad mula sa politika, media, at serbisyo publiko—isang patunay sa pabago-bagong kalakaran ng pulitika sa Pilipinas.