Advertisers

Advertisers

Banta sa buhay: Angelika Dela Cruz nakatanggap ng 3 bala

0 5

Advertisers

Iniimbestigahan na ng Malabon City Police ang natanggap na death threat ng aktres na si Angelika Dela Cruz.



Sa kanyang FB post nitong Huwebes, binahagi ng kasalukuyang chairperson ng Barangay Longos ang larawan ng sulat na nagbabanta sa kanila at pamilya na may kasamang tatlong bala.

Sinabi sa sulat na, “Umatras ka na sa laban ng Vice Mayor ng Malabon… Kung hindi, alam mo ang kahihinatnan mo at ng pamilya mo.”

Iginiit ni Dela Cruz na malinaw na pananakot ito matapos umano siyang siraan at kasuhan.

Ang nangyari, naganap sa gitna ng umiinit na pulitika sa lungsod sa nalalapit na halalan.