Disqualification hindi penal at executory… BOTO NI CONGRESSIONAL CANDIDATE 1ST DISTRICT ATTY. IAN SIA, BIBILANGIN NG COMELEC!
Advertisers
Tiniyak ni Pasig Congressional 1st district candidate Atty. Ian Sia na bibilangin ng Commission on Election (Comelec) ang kanyang boto sa Mayo a-12 national at local election’s sa araw ng lunes.
Pinabulaanan din nito ang isyu na disqualified ang kanyang kandidatura dahil hindi pa umano ito pinal at executory.
Ito ang nilinaw ni Atty. Sia, sa isinagawang press conference sa lungsod, “hindi po final at executory” ang naturang disisyon at pwede pang iapela sa Comelec En Banc.
Malinaw anya sa ruling ng Commission 2nd Division na kandidato pa rin umano s’ya at dapat pang bilangin ang kanyang boto habang wala pang pinal na desisyon ang En Banc.
“Malinaw po ang resolution ng Comelec 2nd Division na kandidato pa po ako. Bibilangin ang aking boto. In the event na ako ay manalo, masususpinde lang po ang aking proclamation,” ani Sia.
Anya, ibinasura ng Commission ang unang kaso na isinampa laban sa kanya dahil umano sa kakulangan ng proseso.
Habang ang ikalawa ay pinagbigyan, ngunit hindi pa umano penal.
Meron limang (5) araw na palugit ang commission para magsumite si Atty. Sia ng motion for reconsideration.
Kung hindi umano s’ya papanigan ng En Banc, maaari pa rin s’yang dumulog sa Korte Suprema.
Buwelta pa ni Sia, hindi raw basehan sa disqualification ang umano’y paglabag n’ya sa Safe Spaces Act. “Walang legal na batayan ang disqualification laban sa akin. Ang remarks ko ay saklaw ng aking karapatang magsalita at magpahayag,” diin n’ya.
Pero hindi lang depensa ang bitbit ni Sia—umigting din ang kanyang banat sa mga kalaban. Giit niya, mas dapat raw silipin ng Comelec ang mga kandidatong gumagamit ng pondo ng gobyerno para makahikayat ng boto.
“Kung ang paglabag anya sa Safe Spaces Act ay rason para ma-disqualify, eh di mas lalong dapat i-disqualify ang mga kandidatong lumalabag sa Comelec ban sa pamimigay ng ayuda,” giit nito.
Ayon kay Atty. Sia, nagkakalat ng maling impormasyon ang kanyang mga kritiko na hindi na s’ya puwedeng iboto. “Mahirap kalabanin ang nakaupo. It requires courage, perseverance,” aniya.
Samantala, ibinida rin ni Atty. Sia ang plano niyang P2.7 bilyong Pasig City Hall, pati mga bagong eskwelahan, kalsada at iba pang imprastruktura kung mananalo siya. Aniya, ang kabuuang proyekto ay tatakbo mula 2025 hanggang 2028, at mas mura pa ito kaysa sa proyekto ng kasalukuyang administrasyon na halos P9.6 bilyon para lang sa bagong city hall.
Bago sumabak sa pulitika, nagsilbi si Sia bilang Assistant Secretary sa National Economic and Development Authority (NEDA). Ibinunyag din niya na hindi pa rin natutuloy ang Rosario Sports Complex dahil sa problema sa lupa.
“Tatlong linggo ang nasayang sa isyung ito. Mas dapat tayong nakatutok sa problema ng lungsod, hindi sa politika ng pambabastos,” saad pa niya.